Home METRO 5 Baguio road na sinalanta ng bagyo, madaraanan na; Kenon road sarado...

5 Baguio road na sinalanta ng bagyo, madaraanan na; Kenon road sarado pa rin

279
0
(c) PIA Benguet

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na bukas na ang limang pangunahing kalsada patungong Baguio na naapektuhan ng mga nagdaang sama ng panahon.

Kabilang dito ang Marcos Highway, Baguio-Bauang Road (Naguilian), Asin-Nangalisan-San Pascual-La Union Road, Benguet-Nueva Vizcaya Road, at Baguio-Bontoc Road.

Sa kabilang banda, nanatiling sarado ang Kennon Road dahil sa banta ng rockfall at pagguho ng lupa, habang hindi pa rin madaanan ang Baguio-Itogon Road sa Sitio Goldfield, Itogon, Benguet dahil sa landslide. Inirerekomenda ang Ucab–Midas Road bilang alternatibong ruta.

Nagpaalala ang DPWH na mag-ingat sa mga bagong bukas na kalsada dahil maaari pa ring may mga panganib. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here