Home NATIONWIDE Disaster management platform gamit AI, inilunsad sa Pinas

Disaster management platform gamit AI, inilunsad sa Pinas

331
0

MANILA, Philippines – Inilunsad nitong Huwebes sa Quezon City ang lokal na bersyon ng Spectee Pro, isang AI-powered disaster management platform mula Japan, sa tulong ng JICA, DICT, at Spectee Inc.

Gumagamit ang Spectee Pro ng AI para mangalap at magsuri ng real-time data mula sa social media hinggil sa sakuna tulad ng lindol, baha, at bagyo. Sinusuri ng 24/7 human team ang kredibilidad bago magpadala ng alerto.

Inangkop ang Philippine version para sa Facebook, na pinakamadalas gamitin sa bansa para sa agarang impormasyon. Mula Oktubre 2024, libre itong ibinigay sa 120 ahensya, LGU, at pribadong kumpanya hanggang Mayo 2026, at may planong bayad na serbisyo sa Hunyo 2026.

Ayon sa DICT, nagiging “potential first responder” ang bawat cellphone gamit ang impormasyong mula sa mga online post. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here