Home NATIONWIDE Ex-PAF personnel, arestado sa pag-aalok ng slot sa militar kapait ng pera

Ex-PAF personnel, arestado sa pag-aalok ng slot sa militar kapait ng pera

264
0

MANILA, Philippines – Arestado sa Mataas na Kahoy, Batangas ang isang dating miyembro ng Philippine Air Force (PAF) matapos magpanggap na recruiter at mag-alok ng slot sa militar kapalit ng pera.

Ayon sa pulisya, humingi ang suspek ng ₱32,000 sa dati niyang kaklase para sa slot, at kalaunan ay nagdagdag pa ng ₱89,000 para umano sa uniporme at pagtiyak ng puwesto. Ipinagbigay-alam ito ng biktima, na nagresulta sa operasyon ng CIDG-Batangas at PAF para arestuhin siya.

Kinumpirma ng mga awtoridad na matagal nang tanggal sa serbisyo ang suspek, na ngayon ay nahaharap sa kasong estafa at usurpation of authority. Paalala ng otoridad: libre ang aplikasyon sa mga ahensiya ng gobyerno. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here