Home NATIONWIDE PBBM sa St. Timothy Construction: Palpak na flood control sa Bulacan, ipaliwanag

PBBM sa St. Timothy Construction: Palpak na flood control sa Bulacan, ipaliwanag

178
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa St. Timothy Construction Corporation na magpaliwanag hinggil sa umano’y palpak na flood control project sa Calumpit, Bulacan.

Sa inspeksiyon ng Rehabilitation of the River Protection Structure, iginiit ng Pangulo na dapat makita ng kontratista kung gaano kahirap ang dinaranas ng mga residente dahil sa mahinang kalidad ng proyekto.

Ayon kay Marcos, walang ginawang dredging o desiltation sa lugar, at may reklamo pang gumamit umano ng substandard materials. Nag-utos siya ng deployment ng scuba divers para siyasatin ang proyekto.

Kamakailan, isiniwalat ng Pangulo na 20% ng P545 bilyong pondo para sa flood control projects ay napunta lamang sa 15 kontratista, kabilang ang St. Timothy. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here