Home METRO Larong pambata, buhay na buhay pa rin

Larong pambata, buhay na buhay pa rin

302
0

Sa kabila ng mabilis na pag-usbong ng teknolohiya, patuloy pa ring nilalaro ng ilang bata sa Barangay Gen. T. De Leon, Valenzuela City ang tradisyunal na “spider wrestling” o “pancit-pancitan.”

Sa larong ito, gumagamit ng patpat para pagharapin ang mga gagamba, na nagtataguyod ng kasanayan, diskarte, at pakikipag-ugnayan.

Ayon sa mga magulang, mas nais nilang mahikayat ang mga anak na maglaro ng ganitong tradisyunal na laro kaysa malulong sa online games na maaaring magdulot ng masamang epekto sa mata, utak, at asal ng bata. Bukod sa pagiging pisikal na aktibidad, nakatutulong din ang spider wrestling sa pagpapalakas ng samahan sa komunidad at sa pagpapahalaga sa kalikasan at kulturang Pilipino. Kuha ni Val Leonardo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here