Home NATIONWIDE ‘Basurero’ pinasasama ng DENR sa PH solid waste system

‘Basurero’ pinasasama ng DENR sa PH solid waste system

317
0

MANILA, Philippines – Itinutulak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagsama ng mga informal waste worker sa pormal na sistema ng solid waste management ng bansa.

Binigyang-diin ni Environment Secretary Raphael Lotilla ang mahalaga ngunit madalas na hindi napapansing papel ng mga ito sa pag-recover at pag-recycle ng basura, habang wala pa rin silang proteksiyon sa trabaho, tiyak na kita, at access sa social services.

Kabilang dito ang mga mangangalakal, bumibili ng bote o bakal sa kalsada, at maliliit na junk shop operator.

Magbibigay ang DENR-EMB ng timbangan sa 50 junk shop sa Quezon City, ikokonekta sila sa mas malalaking merkado sa ilalim ng Extended Producer Responsibility (EPR) Act, at mag-aalok ng pagsasanay sa organisasyon, pagnenegosyo, at financial literacy.

Noong 2024, tinuruan ang halos 200 informal waste worker sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon hinggil sa EPR Act of 2022 at Ecological Solid Waste Management Act. Inatasan din ng National Solid Waste Management Commission ang mga LGU na isama sila sa kanilang 10-taong waste management plan.

Ayon kay Lotilla, ang pagbibigay-prayoridad sa kapakanan nila ay magdudulot ng waste management na hindi lang pangkalikasan kundi makatarungan din sa lipunan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here