MANILA, Philippines – Maglalaan ang pamahalaan ng ₱40 bilyon para sa revised modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa panukalang 2026 national budget—₱5 bilyon na mas mataas kaysa sa nakaraang taon.
Ayon sa AFP, layon nitong pabilisin ang pagpapatupad ng Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC) para sa mas matatag na depensa sa lupa, himpapawid, dagat, at cyberspace, lalo na sa West Philippine Sea.
Kasama sa kabuuang ₱430.87 bilyong pondo ng defense sector ang pagbili ng FA-50PH jets o S-70i Black Hawk helicopters, corvettes, offshore patrol vessels, at armored vehicles.
Nangako ang AFP na gagamitin nang tapat ang pondo para tiyakin ang kahandaan ng tropa at pangalagaan ang soberanya ng bansa. Santi Celario