Home NATIONWIDE P3.4M tobats nasabat ng PDEA sa Antipolo

P3.4M tobats nasabat ng PDEA sa Antipolo

308
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang ₱3.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu at naaresto ang isang high-value target sa buy-bust operation sa Antipolo City noong Agosto 14.

Kinilala ang suspek bilang si “Anowar,” 36, na nahuli sa Barangay Sta. Cruz, habang nakatakas ang kasamahan nitong si “Nor.” Narekober mula sa kanya ang humigit-kumulang 500 gramo ng shabu at buy-bust money.

Isinagawa ang operasyon ng PDEA Rizal at lokal na pulisya. Mahaharap si Anowar sa kasong paglabag sa RA 9165, habang patuloy ang pagtugis sa nakatakas na kasama. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here