Home NATIONWIDE Chinese rocket debris natagpuang palutang-lutang sa Mindoro

Chinese rocket debris natagpuang palutang-lutang sa Mindoro

267
0

MANILA, Philippines – Natagpuan ang debris ng rocket na may tatak ng bandila ng China sa baybayin ng Looc, Occidental Mindoro noong Agosto 14.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), isang mangingisda ang nakakita sa 10-by-14-foot na alloy object isang nautical mile mula sa Barangay Bonbon. Pinaniniwalaang mula ito sa Long March 7A rocket ng China na inilunsad noong kalagitnaan ng Hulyo.

Kinuha ito ng PCG at itinurn-over sa mga awtoridad sa Lubang para sa ligtas na pag-iingat. Paalala ng PCG, agad ireport ang mga kakaibang bagay na makita sa dagat at huwag hawakan dahil maaari itong magtaglay ng toxic rocket fuel.

Noong Agosto 4, iniulat ng mga residente sa Palawan ang malalakas na pagsabog at pagyanig matapos ang Long March 12 launch ng China.

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China na magbigay ng paunang abiso kung may posibilidad na mahulog ang debris sa teritoryo ng Pilipinas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here