Manila, Philippines – Sumakabilang-buhay nitong Agosto 12, Martes, ang batikang direktor na si Francis “Jun” Posadas.
He was 76.
Ayon sa kanyang anak na si Susan Kelly, dakong 8:30 ng umaga nang mag-collapse ang kanyang ama habang nagbabantay ng kanilang tindahan.
Kaagad naman daw naisugod ang direktor sa Our Lady of Pilar Hospital malapit sa kanilang tirahan sa Imus, Cavite, pero wala na itong pulso pagdating doon.
Kilala si Direk Francis sa paggawa ng mga maaaksyong pelikula.
The actor he had worked with the most ay si Eddie Garcia, na pumanaw na rin.
Kabilang din sa mga nakatrabaho niya sina Robin Padilla, Ace Vergel, Ronnie Ricketts, Ian Veneracion, Maricel Soriano, at iba pa.
Gumawa rin si Direk Francis ng mga sexy films.
Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay sa mga naulila ni Direk Jun Posadas. – Ronnie Carrasco III