Home ENTERTAINMENT Fans ni Fyang, bumuwelta sa anak ni Ogie!

Fans ni Fyang, bumuwelta sa anak ni Ogie!

263
0

Manila, Philippines – May kasabihan ngang, “Hampas sa kabayo, sa kalabaw ang latay.”

This is exactly the same scenario na kinasasangkutan ni Ogie Diaz at ang panganay niyang anak na si Erin.

May masamang epekto kasi ang pagge-guest ni Ogie sa Your Honor nina Buboy Villar at Tuesday Vargas.

Minsama kasi lalo na ng mga fans ni Fyang Smith ang payo ni Ogie sa PBB Gen Z big winner.

Pumasok sa Bahay ni Kuya hanggang makalabas ay dala-dala kasi ni Fyang ang ugaling nagpapakatotoo siya.

Ani Ogie, while he appreciates Fyang’s honesty, masama rin kung sumosobra ito: “Too much of that is also bad.”

Fyang’s fans took it against Ogie.

At doon na ibinunton ng mga fans ang galit sa anak ni Ogie: “’Yan ba ang perfect?”

Ang punto ng mga ito, bago raw punahin ni Ogie ang dumi ng kanyang kapwa, he should start from within his household.

Hindi lang si Erin ang nadamay kundi pati ang nobyo nitong si Ron Brusola.

Punahin daw muna ni Ogie ang “kalandian” ng anak, ayon sa mga fans ni Fyang.

Marami naman ang nagtanggol kay Erin na obvious na hindi apektado kung bina-bash siya.

Kung tutuusin, kahit sino ang hingan ng payo patungkol sa asal ni Fyang will also impart the same piece of advice.

May limitasyon ang pagiging totoo.

May mga pagkakataon ngang kailangan mong ilihim ang ilang bagay also to protect yourself.

Not because you’re withholding the truth means you’re dishonest.

And why make Ogie’s daughter the receiving end?

Susme! – Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here