Home ENTERTAINMENT Marjorie at Leon, sabay na nagtapos ng college!

Marjorie at Leon, sabay na nagtapos ng college!

346
0

Manila, Philippines – May bawi ang tadhana.

Hindi man pinalad si Marjorie Barretto na tumakbong Caloocan City 1st District Representative nitong nagdaang eleksyon, bawing-bawi naman siya sa kanyang mga anak.

Tulad na lang ni Julia, na niregaluhan siya ng brand-new SUV kamakailan.

Her youngest child, Erich, ay nagtungo naman sa Oxford University in the UK to pursue her summer course.

At nitong Agosto, dalawa silang mag-ina—siya at ang anak na si Leon—ang nagtapos ng kolehiyo.

Leon finished his business course at the University of Asia and the Pacific.

Noong Agosto 12 naman ay nagmartsa si Marjorie, 51, matapos tapusin ang AB Mass Communication sa Philippine Women’s University.

Paglalarawan ni Leon, one is never too old to achieve one’s dream.

Tinawag na “forever my inspiration” ni Leon ang ina habang ibinida nila ang kanilang graduation photos sa Instagram. – Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here