MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng tanggapan ni Sen. Robin Padilla ang balitang nagbitiw si aktres Nadia Montenegro bilang political officer matapos masangkot sa umano’y insidente ng paggamit ng marijuana sa loob ng Senado.
Ayon kay Chief of Staff Rudolf Philip Jurado, nananatili sa puwesto si Montenegro at wala itong isinumiteng pagbibitiw.
Naghihintay umano sila sa kanyang paliwanag sa incident report ng Office of the Sergeant At Arms na nag-uugnay sa kanya sa insidente.
Sinabi pa ni Jurado na sang-ayon sila sa patuloy na random drug testing sa Senado at pinayuhan na niya si Montenegro na magpa-drug test, bagama’t posible umanong may kinokonsultang abogado ito. RNT