Home OPINION PEKENG COMPLAINANT GAMIT SA EXTORTION SA SUBIC

PEKENG COMPLAINANT GAMIT SA EXTORTION SA SUBIC

289
0

DAPAT nang basagin ni Subic Bay Metropolitan Authority Chairman Eduardo Alino ang mga insidente ng ‘extortion’ sa mga ‘Free Port locators’ na nabibiktima ng milyon-milyong piso.

Sangkot sa kabulastugang ito ang ilang mga SBMA security guards at kahit mga miyembro ng SBMA Board, mismo!

Sa ngayon, dinidinig sa Cabanatuan Prosecutor’s Office ang pekeng kaso ng rape na “inimbento” ng nasabing “SBMA Syndicate” laban sa isang ‘long time foreign locator’ kung saan naghanap sila ng menor-de-edad na ‘complainant.’

Ipinalipat ng Department of Justice ang pagdinig ng reklamo mula sa Olongapo Prosecutor’s Office dahil sa isyu na masyadong ‘bias’ ang Olongapo OCP laban sa akusado.

May batayan ang bintang na ‘bias against the accused,’ Prosecutor General Richard Fadullon, dahil ang piskal na “nagpasumpa sa umano’y “biktima” ay dati palang empleyado ng SBMA, pati na ang kanyang asawa!

Isang aktibong miyembro ng SBMA Police (Law Enforcement Department) at kanyang asawa ang “dumukot” sa bata at nagtago sa kanya ng higit 5-buwan habang “niluluto” pa nila ang hirit na P50-milyon ‘settlement’ sa negosyante para “iatras” ang reklamo.

Ang “gumigitna” at “nananakot” sa negosyante para “umareglo” na lang? Dalawang direktor ng SBMA, ilang tauhan ng SBMA Police, tulisang kagawad ng media at mayroon pang ‘retired judge’ at pekeng abugado. Abah, galawang sindikato nga!

Mayroon na umanong mga ganitong insidente sa loob ng Free Port, mahal na Pang, Marcos Jr., kung saan sa isang insidente, isang locator ang umano’y ‘na-black mail’ ng nasabing grupo sa halagang P20 milyon, aguy!

Sa ngayon, gumawa na ng ‘sworn affidavit’ ang bata kung saan ibinisto niyang “gawa-gawa” lang ang reklamo laban sa negosyante.

Hindi rin daw sila kailanman nagpunta ng kanyang ina sa Olongapo OCP para magsampa ng reklamo.

Kung totoo, “sino” kaya, SOJ Boying Remulla, ang biktima at magulang na “pinasumpa” ng Olongapo OCP?

Pwede na ba ngayon ang ganyang sistema ng ating hustisya? Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here