Home OPINION IMBESTIGASYON SA ANTI-FLOOD, SAANG BABUYAN KAYA MABABASURA?

IMBESTIGASYON SA ANTI-FLOOD, SAANG BABUYAN KAYA MABABASURA?

221
0

NAPAKARAMING usapin ukol sa imbestigasyon sa anti-flood projects na may “for the boys, SOP at ghost projects” o kikbak.

Unang usapin ang kung tama o hindi na si Pangulong Bongbong Marcos mismo ang magsagawa ng imbestigasyon.

Ayon mismo sa anak niyang si Majority Floor Leader Sandro Marcos, tama lang na ang Pangulo ang mag-imbestiga dahil hindi pupwedeng mga kongresman ang mag-imbestiga sa kanilang mga sarili.

Tama dahil ang Pangulo ay nasa ehekutibo na kaiba at hiwalay sa Kamara.

Kaugnay na usapin din ang pagpipilit ng ilang kongresman na mag-imbestiga.

Paano kung paiiralin ng mga iimbestigahan na kongresman ang “parliamentary courtesy?” na nauugat sa sa paniniwalang magkakapantay lahat ang mga kongresman at wala ni sinoman ang mas mataas o mas mababa.

Hindi rin basta mag-imbestiga maging ang mga senador sa kanilang hanay dahil nga sa parliamentary courtesy.

Hindi rin pwedeng imbestigahan ng mga kongresman ang mga senador o kabaligtaran nito dahil labag ito sa interparliamentary courtesy naman at tiyak na magdededmahan lang sila.

Paano naman kung lilitaw at lumitaw na nga na ang mga hindi binabahang lugar ay pinaglalagyan ng daan-daang anti-flood projects at mga kamag-anak o kaalyado ng Pangulo o mga Pilato ang mga sangkot?

Hindi rin kaya magiging hilaw ang imbestigasyon kahit pa ang Pangulo ang nagpasimula at humahawak nito ngayon?

Posible bang blood is thicker than flood water kahit pa sinasabi ng Pangulo na walang siyang sasantuhin?

Iba pang usapin ang diskarte ng mga abogado na hiwalay ang katauhan ng mga kongresman at construction company dahil sa divestment ng mga kongresman sa mga kompanyang may mga kontratang anti-flood control project.

Dito, hindi magiging walang pananagutan ang kongresman at ang kompanya at mga opisyal lang nito ang pupwedeng makulong at managot sa bulsahan ng pondong bayan.

Hindi kaya sa babuyan mababasura ang lahat ng imbestigasyon?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here