Home METRO 2 tiklo sa 22kg ‘damo’ sa Baguio City

2 tiklo sa 22kg ‘damo’ sa Baguio City

268
0

BAGUIO, Philippines – 22 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana at dalawang indibidwal ang naaresto sa drug bust ng Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera Regional Special Enforcement Team (PDEA-CAR RSET) kasama ang Baguio/Benguet Provincial Office at Baguio City Police sa Brgy. Cresencia Village, Baguio City noong Agosto 15, 2025.

Nasakote ang dalawa matapos magbenta ng dalawang sako na naglalaman ng 22 piraso ng pahabang hugis na pack ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana sa isang undercover na opisyal.

Bukod sa iligal na droga, nasa kustodiya ang isang Toyota Tamaraw FX dahil hinihinalang ginagamit ito sa pagbibiyahe ng iligal na droga.

Kinilala ni Regional Director Dir. III Derrick Arnold C. Carreon ang dalawang lalaki na 63 taong gulang mula sa San Gabriel, La Union at isang 47 taong gulang mula sa Tublay, Benguet.

Sinasampahan na ng kaso ang mga suspek sa paglabag sa Section 5 in relation to Section 26 Article II of Republic Act 9165. DANNY QUERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here