Home METRO Babaeng ‘bugaw’, arestado; 5 menor nasagip ng NBI

Babaeng ‘bugaw’, arestado; 5 menor nasagip ng NBI

199
0

MANILA, Philippines – Nasagip ang limang menor edad habang naaresto ang isang babaeng ‘bugaw’ sa online child sexual exploitation activities.

Isa sa mga biktima ay pamangkin umano ng suspek na si alyas ‘Tisay’ na kinasuhan ng paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022, Anti-Online Sexual Abuse o Exploitation of Children at Anti-Child Abuse Law.

Ayon sa National Bureau of Investigation-Violence against Women and Chindren Division (NBI-VAWCD), ang suspek ay naaresto sa Marilao, Bulacan.

Nag-ugat ang operayon sa referral ng Homeland Security Investigation (HSI) hinggil sa mga numero ng telepono ng Pilipinas na sangkot sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC).

Ayon sa HSI, ang referral na ito ay batay sa pagka-aresto sa isang US citizen sa Springfield, Massachusets ng US federal authorities para sa child exploitation crime.

Natuklasan sa pagsisiyasat na isinagawa ng NBI-VAWCD ng pagkakasangkot ng suspek sa pag-aalok ng tahasang sekswal na content na kinasasangkutan ng mga menor de edad at pagpapadala ng CSAEM sa mga dayuhang pedophile.

Sa pamamagitan ng survellaince, natukoy ang address ng suspek kung saan nakakuha naman ng warrant to search, Seize and Examine computer Data ang NBI -VAWCD sa korte na agad ipinatupad at nagresulta ng kanyang pagkakaaresto. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here