Home METRO Pagkakasangkot ng immigration officers sa trafficking sa Davao Airport, iimbestigahan ng NBI

Pagkakasangkot ng immigration officers sa trafficking sa Davao Airport, iimbestigahan ng NBI

304
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang posibleng pagkakasangkot ng immigration officers sa Davao airport sa human trafficking sa ibang bansa.

Sinabi ni NBI South-Eastern Mindanao regional director Arcelito Albao na tatlong biktima ng pinaghihinalaang trafficking in persons case ang nagbigay sa kanila ng mga pangalan ng mga immigration officer sa Francisco Bangoy International Airport para mapadali ang kanilang paglalakbay sa Singapore bilang mga entertainers.

Nasagip ang tatlong biktima habang palipad patungong Singapore na may edad 18, 24 at 29 kung saan sila ay narecruit at inalokan ng trabaho bilang entertainers ng isang “Lalang” at “Yolly” na kapwa hindi pa nahuhuli.

Ayon pa sa pagsisiyasat ng NBI, nagbayad ang tatlo kay “Lalang” para maproseso ang kanilang employment documents.

Itnurn-over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga biktima.

Inihahanda na ang criminal complaint laban sa mga recruiters. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here