Isinusulong ni Senator Migz Zubiri ang total ban o tuluyang pagbabawal sa mga online gambling sa bansa.Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Zubiri na nakababahala na ang epekto ng e-sugal sa mga pamilyang Pilipino. CESAR MORALES
MANILA, Philippines – Inihayag ni Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri nitong Sabado, Agosto 16 na siya at ang kanyang buong team ay sasailalim sa drug test bukas, Agosto 18, upang alisin ang mga pagdududa laban sa kanya at sa kanyang buong opisina matapos ang umano’y insidente ng paggamit ng marijuana sa loob mismo ng Senado.
“This coming week, I will subject my office to random drug testing. I will definitely test them all,” saad sa pahayag ni Zubiri sa isang panayam.
“I will mandatorily ask my staff, to take drug testing, including me,” dagdag pa.
Sinabi ng senador na kung may magpositibo sa sinuman sa kanyang staff, ipatutupad ang due process na nagbabalanse sa accountability at rehabilitasyon.
“What we will do, for due process, maybe we can ask for their preventive suspension,” ani Zubiri.
“If they admitted that they are really using drugs, let’s give them a chance to rehabilitate. Let them go to rehab first. And when they rehab after a few months and their drug test is negative, we can allow them to go back to work,” pagpapatuloy ng senador.
Tinanggap naman ng senador ang pinakahuling pahayag ni Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III na buhayin ng Senado ang random drug testing sa mga empleyado nito.
Nanawagan din siya sa mga kasamahan sa Senado na sumailalim sa drug testing upang makatulong sa “anchor the chamber’s standards on conduct that fits its role as a lawmaking body.”
“I encourage all the other offices, all the other senators, to do the same,” ani Zubiri at sinabing “lawmakers should not be lawbreakers.”
Anang senador, handa siyang sumailalim sa mas mahigpit na testing methods kabilang ang hair follicle drug test.
“If you are not guilty, you should not be afraid. We want to show and lead by example,” sinabi pa ni Zubiri.
“All I can say is that for myself, and I will encourage my fellow senators in the minority, it is good for members of the minority to show that we are conducting random drug testing in our offices, and for ourselves so that we can show that we have nothing to hide,” dagdag pa niya.
Bago rito ay pinangalanan ang isang “Nadia Montinegro” sa incident report ng umano’y paggamit ng marijuana sa loob ng comfort room ng mga babae sa Senate building.
Kinumpirma naman ni Atty. Rudolf Philip Jurado, chief of staff ni Senador Robin Padilla, na ang dating aktres na si Nadia Montenegro ay nagtatrabaho sa kanilang opisina.
Samantala, itinanggi naman ni Montenegro ang paggamit ng marijuana o pagdadala ng vape sa kanyang bag. RNT/JGC