Home NATIONWIDE Lasing na lolo, patay nang matrap sa sunog

Lasing na lolo, patay nang matrap sa sunog

228
0

MANILA, Philippines – Isang 70-anyos na lolo ang namatay nang na-trap sa loob ng kanilang bahay dahil sa kalasingan habang nasusunog ito sa Imus City, Cavite.

Base sa nakalap na report, kinilala ang biktima na si alyas Edward, residente ng Ramirez compound, Brgy. Buhay na Tubig, ng nasabing lungsod.

Sa ulat, bandang alas-12:38 ng madaling araw nang nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Ramirez compound ng nasabing lugar na mabilis na kumalat sa mga kababayan.

Nasa 19 na pamilya ang apektado at nawalan ng bahay na kinabibilangan ng 55 na indibidwal at isang casualty.

Napag-alaman na dahil sa kalasingan ng biktima ay hindi na umano namalayan ang nangyaring sunog dahilan upang hindi na ito nakalabas sa kanyang inuupahang bahay

Idineklarang fireout na dakong ala-1:18 ng madaling araw ang naturang sunog at ayon sa imbestigasyon ng BFP, electrical faulty wiring ang pinagmulan nito. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here