Home NATIONWIDE Top 1 most wanted rapist sa Isabela, himas-rehas

Top 1 most wanted rapist sa Isabela, himas-rehas

282
0

SAN PABLO, Isabela – Naghihimas na ng rehas na bakal ang isang mister na may patong-patong na kaso sa panggagahasa o rape na tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa probinsya ng Isabela matapos maaresto ng pulisya sa San Pablo, Isabela.

Sa ipinarating na ulat ni PCapt. Juanito Garcia Jr., Officer in Charge ng San Pablo Police Station kay PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO, ang suspek ay itinago pansamantala sa pangalang Mar, nasa tamang edad at residente sa naturang bayan.

Batay sa inilabas na Warrant of Arrest ng korte, ang akusadong si Mar ay nahaharap sa dalawang kaso ng panggagahasa sa menor de edad na walang kaukulang piyansa, dalawang sexual assault na may piyansang P400,000 at acts of lasciviousness na may inirekomenda rin ng korte na piyansa sa halagang P36,000.

Matapos ang masusing pagsisiyasat at kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon ay agad na dinala ang akusado sa BJMP Cabagan District Jail sa Cabagan, Isabela. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here