Home HOME BANNER STORY Kampo ni Digong, kinuwestyon paglabag ng ICC sa time limit sa imbestigasyon

Kampo ni Digong, kinuwestyon paglabag ng ICC sa time limit sa imbestigasyon

248
0

MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Vice President Sara Duterte na kinuwestiyon ng kampo ng kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang hurisdiksiyon ng International Criminal Court (ICC) dahil umano lumampas ito sa itinakdang isang taon para magsagawa ng imbestigasyon.

“Meron po silang finile yung pag-question ng jurisdiction ng korte sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Simple lang ang sinasabi nila. Nag-imbestiga kayo, lampas na ang isang taon na pwede kayo mag-imbestiga. Dumaan ang isang taon bago kayo nagsimula mag-imbestiga. Kaya hindi na yan puwede,” anang Vice President.

Naaresto si dating Pangulong Duterte sa Pilipinas noong Marso 11 dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kanyang war on drugs at kasalukuyang nakakulong sa Scheveningen Prison sa The Hague. Ayon sa datos ng gobyerno, mahigit 6,000 ang napatay sa operasyon ng pulisya, ngunit tinatayang aabot sa 30,000 ang bilang ayon sa mga human rights groups.

Kamakailan, humiling ang kanyang mga abogado na madiskuwalipika si ICC Prosecutor Karim Khan dahil umano sa conflict of interest. Noong Hulyo, pinayagan ng ICC ang kahilingan ni Duterte na pansamantalang ihinto ang desisyon sa kanyang interim release habang kinokolekta ang lahat ng dokumento. Nag-file rin ang kanyang kampo ng hiling para sa pansamantalang paglaya dahil sa kanyang edad na 80.

Sinabi ni VP Duterte na nasa maayos na kondisyon ang kanyang ama ngunit mas payat na ngayon, at binabantayan ng mga doktor ang kanyang kalusugan at timbang.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here