Home OPINION 2026 BADYET LALARUIN NG MGA KORAP?

2026 BADYET LALARUIN NG MGA KORAP?

310
0

NANG tinanggap ng Kamara at Senado ang panukalang badyet, nagkakaisa sila sa pagsasabing magiging transparent o bukas sa publiko ang lahat ng kanilang mga galaw.

Bahagi ng transparency ang pag-imbita sa mga pribadong tao o organisasyon sa kanilang mga talakayan, kasama ang live media coverage, pero walang karapatang bumoto ang mga ito botohan.

Ayon sa mga kongresman, bubusisiin nila nang husto ang isinumite sa kanila ng Malakanyang na National Expenditure Program o NEP 2026.

Kung maganda na, lalo pa nilang pagagandahin ito para sa ikabubuti ng mga mamamayan.

Para naman sa mga senador, haharangin nila ang mga hindi kaaya-ayang gawain gaya ng insertion o pagsingit-singit ng kung ano-anong pagkakaperahan at pamumulitika lang.

May mga kongresman ding ayaw ng insertion, ‘di ba, Congressman Toby Tiangco?

Mabuhay kayo! Nya-hahaha!

BICAM AT SMALL COMMITTEES

At para magmukhang malinis at maganda ang pagplantsa sa NEP, hindi lang sa Kamara at Senado maging transparent ang lahat kundi sa Bicameral Conference Committee o Bicam din.

Sa Bicam umano nagaganap ang mga milagro gaya ng biglaang pagkahulog mula sa langit ng P26 bilyong AKAP o Ayuda para sa Kapos ang Kita Program noong 2024 at pagpapatuloy nito sa 2025 na may pondong P39P ngunit ibinaba sa P26B pa rin.

Itong AKAP, mga Bro, ay sinarili ng mga kongresman noong 2024, kaya umangal ang mga senador.

Nang pinahiran ng P5B mantikang AKAP ang nguso ang mga senador para sa 2025, nagsiper na ng bunganga ng mga ito.

Everbody happy! Hehehe!

Sa Bicam din naganap ang milagrong pagkawala nang parang bula ang panukala sa NEP 2025 na mahigit P74B para sa PhilHealth.

Sabi ng mga kongresman at senador, naroon naman ang panukala bagaman bawas.

Ngayon, nagtuturuan sila kung sino-sino ang mga sumibak sa PhilHealth fund.

Nasa na Supreme Court o SC na ang kaso para pagpasyahan kung labag sa Konstitusyon at sa batas o hindi ang pagsibak at hinihintay natin ang kanilang desisyong maaaring may mga salitang “immediately executory” o “forthwith.”

Itong “small committee” naman na ibinuking ni Cong. Toby na siyang “nagpaganda” sa NEP sa Kamara, binuwag na dahil kasama ito ng Bicam na itinuturong gumagawa ng mga milagro.

Hek!Hek!Hek!

GINAGAWANG LARO?

Kung pagmasdan nang husto ang galaw ng mga kongresman at senador, tila pinaglalaruan nila ang NEP sa rami ng mga nadidiskubreng iskam o kikbakan sa 2024 at 2025.

Para sa NEP 2025 lang, vineto ni Pang. Marcos ang P194 bilyong mga proyekto na isiningit ng mga kongresman at senador.

Pera na naging bato pa.

Sa 2026 badyet, kinalos ng Pangulo ang AKAP ngunit ibinalik ang para sa PhilHealth bagaman nasa P53B lang.

Heto ngayon, sumali ang Pangulo sa laro sa pagsasabing kung hindi naayon sa NEP 2026 ang lalabas na bersyon ng Kamara at Senado rito, anak ng tokwa, hindi niya pipirmahan ito.

Kung hindi siya pipirma, maibabalik ang AKAP, muling mawawala ang Philealth at maibabalik ang P360B para sa anti-flood projects sa halip na P275B lang para sa 2026.

Lalong mag-i-standing ovation ang mga korap sa SONA 2027.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here