Home NATIONWIDE P47.6M ‘bato’ nasamsam sa S. African sa NAIA

P47.6M ‘bato’ nasamsam sa S. African sa NAIA

206
0

MANILA, Philippines – Naaresto ang isang 43-anyos na South African national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Sabado ng gabi matapos mahulihan ng pitong kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱47.6 milyon sa kanyang bagahe.

Kinilala ang suspek bilang si “Antonie” na dumating mula Hong Kong sakay ng Cathay Airways Flight CX 748 dakong 7:30 p.m.

Ayon sa pulisya, tinatayang 7,000 gramo ng shabu ang nakumpiska at dinala na sa PDEA Laboratory Service para sa pagsusuri.

Isinagawa ang operasyon ng PNP-Drug Enforcement Group katuwang ang NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act na may kaparusahang habambuhay na pagkakakulong at multang hanggang ₱10 milyon depende sa bigat ng nakumpiskang droga. James Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here