Home NATIONWIDE Amerikanong pastor na inakusahan ng child abuse, posibleng ipa-deport

Amerikanong pastor na inakusahan ng child abuse, posibleng ipa-deport

274
0

MANILA, Philippines – Nakahanda ang Bureau of Immigration (BI) na magsagawa ng deportation proceedings laban kay Jeremy K. Ferguson, isang 48-anyos na Amerikanong pastor na inaakusahan ng pisikal na pang-aabuso sa hindi bababa sa 160 bata sa Mexico, Pampanga.

Naaresto si Ferguson noong Agosto 13 ng Central Luzon police at ng Pampanga Police Women and Children’s Protection Desk. Umano’y pinamunuan niya ang isang religious group kung saan nangyari ang mga abuso.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, bahagi ito ng “Shield Kids” campaign laban sa pang-aabuso ng mga banyaga sa mga bata.

“Walang lugar sa ating bansa ang ganitong uri ng kababuyan. Sisiguraduhin naming mapapaalis siya matapos harapin ang kanyang kaso rito upang hindi na muling makapanakit ng ating mga kabataan,” aniya.

Iniulat ng mga awtoridad at ng DSWD na ang mga biktima ay sinasaktan, pinagkakaitan ng pagkain, nilalagyan ng posas, o ikinukulong sa mga silid sa ilalim ng pamamahala ni Ferguson. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here