Home METRO Lisensya ng drayber sa CLLEx accident, ni-revoke ng DOTr chief

Lisensya ng drayber sa CLLEx accident, ni-revoke ng DOTr chief

358
0

MANILA, Philippines – Iniutos ni Transportation Secretary Vince Dizon ang habambuhay na pagbawi ng lisensya ng van driver na sangkot sa malagim na aksidente sa Central Luzon Link Expressway (CLLEx) sa Tarlac na ikinamatay ng lima at ikinasugat ng walo.

Ayon sa mga awtoridad, nagpositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ang driver, na iginiit na nawalan siya ng kontrol sa minamaneho bago bumangga sa metal fence at lumihis sa gilid ng kalsada. Kabilang siya sa mga nasugatan at dinala sa ospital.

Ang mga biktima ay mga manggagawang mula Caloocan City na papunta sana sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Nauna nang pansamantalang sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng driver sa loob ng 90 araw at ipinag-utos na humarap siya at ang may-ari ng sasakyan sa pagdinig sa Agosto 22. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here