Home NATIONWIDE NBI chief Santiago, mananatili sa puwesto ‘gang makahanap ng kapalit

NBI chief Santiago, mananatili sa puwesto ‘gang makahanap ng kapalit

309
0
Iniharap ni NBI Director Jaime Santiago ang mag-asawa na dinampot ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pangingikil sa isang negosyante sa Caloocan City.Ang kaso ay nagmula sa reklamo ng isang negosyanteng Pilipino na nag-ulat sa NBI-OTCD, na binanggit ang mga taong pagbabanta mula sa isang indibidwal na nagpapakilala bilang "Ka Ferdie," na umano'y kaanib sa NPA. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Nilinaw ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago nitong Lunes na mananatili siya sa puwesto hanggang makapili si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kanyang kapalit, matapos ang kanyang pagbibitiw noong nakaraang linggo.

“Hanggang walang salita, walang napipili, I will stay to perform my duty. ‘Yun ay bilang respeto,” ani Santiago matapos dumalo sa flag ceremony ng NBI.

Itinalaga si Santiago noong Hunyo 2024 at naghain ng irrevocable resignation, na iginiit niyang dahil sa mga “detractors” na may “sinister interests” na sumisira sa kanyang pangalan.

“Hindi ako umalis dahil ayaw ko na sa administration. I salute the president, I salute the SOJ. Wala silang ipinag-utos na ilegal. Free hand ako,” dagdag niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here