MANILA, Philippines – Nakipagpulong si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga opisyal ng DPWH-NCR upang talakayin ang kontrobersyal na Matalahib Creek Pumping Station Project sa Barangay Talayan, District 1.
Batay sa pag-aaral ng QC Department of Engineering, itinayo ang proyekto sa non-building area, na labag sa Water Code at Civil Code hinggil sa easement of waterways. Dahil dito, nakahahadlang ang istruktura sa daloy ng tubig mula sa mga barangay patungong San Juan River.







