Home HOME BANNER STORY Defense team ni FPRRD naghahanda na sa confirmation of charges hearing ng...

Defense team ni FPRRD naghahanda na sa confirmation of charges hearing ng ICC

285
0

MANILA, Philippines – Naghahanda na ang defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa paparating na confirmation of charges hearing sa International Criminal Court sa susunod na buwan, ayon kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang ibinahagi ng Bise Presidente sa kanyang speech sa pagtitipon ng Filipino community sa Kuwait noong Biyernes, Agosto 15.

“Nag-andam sila para sa confirmation of charges. Nakadungog na tingali mo, og ang uban siguro sa inyoha nagplano na nga mo adto sa Hague sa September 23 tungod sa confirmation of charges. Unya, andaman pud na sa mga abogado,” ani Duterte.

Nakatakdang humarap sa ICC Pre-Trial Chamber 1 ang dating Pangulo para sa kanyang confirmation of charges hearing na magsisimula sa Setyembre 23 para sa reklamong crimes against humanity.

“Ug ang isa pa nila ka-filing para sa ICC na ilahang ginapangandaman karon, di pa nila masulti unsa kay wala pa nila nahatag sa korte,” sinabi pa ni VP Sara. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here