Home NATIONWIDE Higit 40 nawawala sa aksidente sa bangka sa Nigeria

Higit 40 nawawala sa aksidente sa bangka sa Nigeria

307
0

NIGERIA – Nawawala ang mahigit 40 katao kasunod ng aksidente sa bangka sa Nigeria.

Sa ulat, lumubog ang bangka sakay ang mahigit 50 katao patungo sa isang sikat na pamilihan sa Sokoto State ng nasabing bansa.

Agad naman na nasagip ang 10 katao, ayon kay Zubaidar Umar, pinuno ng National Emergency Management Agency.

Ayon sa ahensya, nakikipag-ugnayan na ito sa mga awtoridad at emergency responders para sa search and rescue operation sa mga nawawalang pasahero.

Matatandaan na tatlong linggo lamang ang nakakaraan ay 13 katao ang nasawi at marami rin ang nawawala matapos na lumubog ang bangka sakay ang nasa 100 pasahero sa Niger State, sa north-central Nigeria. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here