Home NATIONWIDE 26 katao dinamba sa sabungan ng gagamba sa Bulacan

26 katao dinamba sa sabungan ng gagamba sa Bulacan

273
0

Bulacan – Arestado ang 26 katao na naaktuhang nagpupustahan sa iligal na “spider derby” sa anti-illegal gambling operation ng mga awtoridad sa bayan ng Marilao.

Sa report ni PLTCOL Russel Dennis Reburiano, hepe ng Provincial Intelligence Unit-Bulacan, ikinasa nila ang operasyon katuwang ang Marilao police at Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company dakong 9:00 ng gabi nitong Agosto 17 sa loob ng isang subdibisyon sa Brgy. Saog.

Ayon sa report, nahuli sa akto ang 26 suspek kabilang ang isang alyas “Jay-ar” na umano’y operator nito sa kasagsagan ng iligal na “spider derby” sa lugar.

Nasamsam sa operasyon ang isang set spider arena, dalawang wooden palette, dalawang spider case na may 13 buhay na pang-dervy na gagamba at cash bet na nasa P11,600.00.

Nahaharap sa kaukulang kasong paglabag sa PD 1602 Illegal Gambling – Spider Derby) at RA 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act) ang mga dinalang suspek sa nasabing yunit ng pulisya.

Pinuri ni PCOL Angel Garcillano, Provincial Director ng Bulacan police ang matagumpay na operasyon ng mga parak laban sa iligal na sugal. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here