Bulacan – Arestado ang 26 katao na naaktuhang nagpupustahan sa iligal na “spider derby” sa anti-illegal gambling operation ng mga awtoridad sa bayan ng Marilao.
Sa report ni PLTCOL Russel Dennis Reburiano, hepe ng Provincial Intelligence Unit-Bulacan, ikinasa nila ang operasyon katuwang ang Marilao police at Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company dakong 9:00 ng gabi nitong Agosto 17 sa loob ng isang subdibisyon sa Brgy. Saog.







