Home OPINION PANAWAGAN NG VACC DAPAT TUGUNAN

PANAWAGAN NG VACC DAPAT TUGUNAN

198
0

SA GANANG atin, wasto at napapanahon ang panawagan sa Kongreso at Senado ni Atty. Manuel Obedoza Jr., chairman ng Volunteer Against Crime and Corruption, na imbestigahan ang patuloy pa ring operasyon ng isang “Sindikato” sa loob ng Subic Free Port kung saan ang mga target na biktima ay mga ‘foreign business locators’ gamit ang mga pekeng complainant.

Mas mainam ito sa halip na imbestigahan ng mga mambabatas ang kanilang mga sarili sa mga ‘ghost, unfinished and defective flood control projects’ kung saan daang bilyones na ang nalustay at kung saan marami ang naniniwala na mauuwi lang sa wala ang imbestigasyon.

Aber, “ogags” ba ang mga mambabatas na bilang tugon sa ‘War on Corruption’ ni PBBM, isasakripisyo” nila ang kanilang sariling “dangal” at “reputasyon” (kung may natira pa) sa pag-amin na sangkot sila sa ‘Flood Control Scam?’

Ginawa ni Chairman Obedoza ang panawagan matapos makarating sa kanya ang sinapit nitong si alyas ‘Jopay’ isang dalagita mula sa katutubong ‘Aeta’ na ginamit ng ‘Subic Syndicate’ bilang ‘complainant’ laban sa isang ‘locator’ sa Subic sa kasong rape para “makikilan” ang negosyante ng P50 milyon.

Ikinulong ng higit 5-buwan, tinakot, tinortyur itong si Jopay at tinuruan pang magsinungaling para lang maging kapani-paniwala ang kanyang pekeng testimonya.

Subalit, himalang nakatakas si Jopay! At ngayon ay buong katapatan sa kanyang pahayag na “gawa-gawa” lamang ang lahat ng bintang laban sa nasabing locator.

Kahabag-habag, hindi na dapat maulit at dapat nang matuldukan ang nangyari kay Jopay at ang mga “pambabarubal” sa Freeport locators, ayon kay Obedoza.

Kung hindi nga kasi matuldukan, paulit-ulit itong mangyayari na ang “tatamaan” sa dakong huli? Ang pangalan at kredibilidad ng ‘Pinas bilang isang ‘safe investment haven,’ mismo!

Kung seryoso naman ang ating mga mambabatas na may magandang ibubunga ang kanilang mga imbestigasyon, eh, mainam na ganitong mga isyu ang “patulan” nila, sey mo, Sen. Erwin ‘Bosing’ Tulfo?

Kumusta ka na pala? Long see no time, pakan…ton ka naman, hehehe!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here