Home ENTERTAINMENT Dahilan ng ‘pagpatay’ kay Celia sa BQ, binuking!

Dahilan ng ‘pagpatay’ kay Celia sa BQ, binuking!

278
0

Manila, Philippines – Hindi na muling mapapanood si Celia Rodriguez sa Batang Quiapo.

Gumaganap bilang Pilar ang ageless veteran actress sa nasabing teleserye.

Matatandaang sa vlog interview ni Ogie Diaz years ago, nabanggit ni Manay Celia that she eagerly wanted to be part of BQ.

Hindi pa man nakikita nang personal ang bidang si Coco Martin, Celia had heard so many good things about the actor.

Wish granted nga ang pagkaka-cast sa kanya sa BQ but her exposure had to be cut short.

Mas tututukan daw ng aktres ang kanyang health condition.

Mismong ang Australia-based na anak ni Celia ang nagpatigil na sa kanya na lumabas sa serye.

The acting required of her doon ay laging galit, and Celia’s daughter–tulad ng BQ staff–is just as worried.

Kaya naman para ma-monitor ang kanyang health, may medical team na naka-stand by sa set.

Any moment nga naman…

Balitang patungo na ng Australia si Celia para makapiling ang anak, na ewan kung papayag pang umuwi ang ina to resume her showbiz work. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here