Home HOME BANNER STORY Tax compliance ng mga kontratista sa flood control projects bubusisiin ng BIR

Tax compliance ng mga kontratista sa flood control projects bubusisiin ng BIR

264
0

MANILA, Philippines – Bubusiin ng Bureau of Internal Revenue ang tax compliance ng mga kontratista na sangkot sa mga flood control project.

Ito ay kasunod ng pagpapangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga construction company na nakakuha ng big-ticket contracts.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr., makikipag-ugnayan ang kagawaran sa iba pang ahensya ng pamahalaan katulad ng Department of Public Works and Highways.

“Titingnan natin ang tax compliance dahil iyan naman ang sakop ng o saklaw ng authority ng BIR so titingnan natin ang naging tax compliance ng mga contractors patungkol diyan sa mga proyekto na iyan at over-all, tax compliance nila,” ani Lumagui.

Sinabi ni Lumagui na maging ang umano’y ghost projects ay titingnan din.

“Nakasubaybay tayo sa lahat ng ginagawang imbestigasyon at hihingi tayo ng dokument patungkol diyan sa mga proyekto na iyan para makita natin talaga at mabusisi kung kamusta ba ang tax compliance ng mga contractors na ito,” pahayag ni Lumagui.

Sa nagdaang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ipinag-utos niya ang imbestigasyon sa flood control projects sa buong bansa kasunod ng malawakang pagbaha na naranasan sa panahon ng Habagat.

Kalaunan ay kinwestyon ng Pangulo kung bakit 15 construction companies lamang ang nakakuha ng P100 bilyon o 20 percent ng halos 10,000 flood control projects mula Hulyo 2022 hanggang Mayo 2025.

Nitong Martes, Agosto 19 ay nagsimula na ang Senate Blue Ribbon Committee ng pagdinig sa mga umano’y anomalya sa flood control projects.

Sa kaparehong araw ay inamin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na mayroong “ghost” flood control projects at nangakong iimbestigahan ang mga ito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here