Home NATIONWIDE P20/kg bigas sa mga magsasaka, pinalawak sa apat pang lokasyon

P20/kg bigas sa mga magsasaka, pinalawak sa apat pang lokasyon

304
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na nadagdagan pa ang mga lugar sa bansa na mayroon nang “Benteng Bigas, Meron Na! Para sa Magsasaka”

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., simula ngayong Miyerkules, Agosto 20, ang P20-per-kilo ng bigas ay mabibili na rin sa NFA warehouse sa Laoag City, Ilocos Norte; San Jose, Occidental Mindoro; Roxas City, Capiz at Baloy, Cagayan De Oro.

Nabatid pa sa kalihim, sa susunod na linggo, ilulunsad na rin ang P20 rice program sa mga mangingisda at mga manggagawa sa fish port na nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture.

Sinabi pa ng DA na ang mga inisyal na benepisyaryo mula sa fish sector ay mga komunidad sa Lucena City (Quezon), Sual (Pangasinan) at Navotas.

Kaugnay nito, tiniyak nito na tuloy-tuloy ang pagpapalawak ng programa kung saan target na maabot ang 15 milyong pamilya sa susunod na taon, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here