Home NATIONWIDE DA chief nanawagan sa mga senador: RTL amyendahan, agri investments suportahan

DA chief nanawagan sa mga senador: RTL amyendahan, agri investments suportahan

213
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. nitong Miyerkules, Agosto 20 ang mga senador na amyendahan ang mga batas na nagpapahina umano sa sektor ng pagsasaka, at suportahan ang pagpapataas ng investment sa agriculture sector.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform, sinabi ni Tiu-Laurel na inalisan ng mahalagang kagamitan ang ahensya para pangasiwaan ang suplay at mapanatili ang presyo ng mga bigas dahil sa Rice Tariffication Law (RTL) at Local Government Code.

“As currently written, RTL does not reform the rice industry—it threatens to kill it,” sinabi ni Tiu-Laurel sa mga senador, sabay-sabing ang devolution ng extension services sa ilalim ng Local Government Code ay nag-iwan sa DA bilang isang “a general without soldiers.”

Inilatag din niya ang pangangailangan sa modernisasyon ng sektor, mula sa irigasyon at logistics, hanggang sa market access at legislative support.

Idinagdag pa niya na may pangangailangan umano sa mas malaking investment dahil sa irigasyon lamang ay mangangailangan ng mahigit P1 trilyon para masakop ang milyon-milyong ektarya ng sakahan.

Kung wala ito, mananatiling umaasa pa rin sa import ang bansa.

Siniguro naman ni Senador Francis Pangilinan, chairman ng komite na hindi lamang bubusisiin ng pagdinig ang paraan para mapababa ang presyo ng mga pagkain kundi matukoy din kung sino ang mga dapat managot sa patuloy na pagtaas ng mga presyo ng produkto at ang smuggling operations.

Inalala niya na sa nagdaang imbestigasyon ng Senado ay inilatag ang mga rekomendasyon para sa mas matibay na inter-agency coordination, digitized processes, at blacklisting repeat offenders.

“Let us stop pretending we do not know the problem,” ani Pangilinan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here