Home NATIONWIDE P47M shabu nasamsam sa South African national na lumapag sa NAIA

P47M shabu nasamsam sa South African national na lumapag sa NAIA

217
0
TINATAYANG nasa higit P47 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa isang 43-anyos na South African national na nagmula sa Hong Kong na nagresulta sa pagkaka-aresto nito sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City noong Agosto 16, 2025. DANNY QUERUBIN

MANILA, Philippines – TINATAYANG nasa higit P47 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa isang 43-anyos na South African national na nagmula sa Hong Kong na nagresulta sa pagkaka-aresto nito sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City noong Agosto 16, 2025.

Nabatid sa NAIA-IADITG, humigit-kumulang 7,005 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu ang nadiskubre na nasa loob ng apat na transparent plastic bag na nakatago sa loob ng itim na bagahe.

Naharang ng mga tauhan ng NAIA-IADITG, na ang mga miyembro ay kinabibilangan ng nagmula sa Bureau of Customs-Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (BOC-CAIDTF), Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR), Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-ASG), National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (NBI), ang nasabing kontrabando habang sila ay nagsasagawa ng routine baggage inspection.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 4 (Importation of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naarestong suspek.

Kapag napatunayang nagkasala, habambuhay na pagkakakulong at multang mula ₱500,000.00 hanggang ₱10,000,000.00.

“The operation underscores the steadfast commitment and dedication of PDEA, in collaboration with other law enforcement agencies, to protect our airports from being corridors of drug trafficking activities”, ani PDEA Director General Undersecretary Isagani R Nerez. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here