Home NATIONWIDE Mental health support inilunsad; mga senior at PWD sa Maynila tuturuan maging...

Mental health support inilunsad; mga senior at PWD sa Maynila tuturuan maging techy

280
0

MANILA, Philippines – UPANG hindi mapag-iwanan ang mga lolo, lola at mga person with disabilities (PWDs) sa digital age, magiging katuwang ni Manila Vice Mayor Chi Atienza ang Nexus Technologies Inc. sa pagpapahusay ng kanilang kaalaman sa digital technology sa Lungsod ng Maynila.

“Naimbitahan tayo ng may-ari ng Nexus Technology Inc para makipagtulungan sa ating proyekto na maturuan ang ating mga kapatid na may kapansanan at senior citizens na mabigyan ng skills na pwede nilang magamit sa paghahanap ng trabaho online,” pahayag ni VM Atienza.

Ayon pa kay Atienza, makakatulong din ang kanilang partnership na matugunan ang lumalaking pangangailangan ng suporta sa kalusugan sa pag-iisip, na noon pa man ay malapit na sa puso ng bise alkalde makaraang lumikha pa siya ng hotline service para sa mga Manileños na nakakaranas ng magulong pag-iisip at depresyon.

“I am happy to bring opportunities to our fellow citizens to restore hope for their families,” ayon pa kay VM Atienza.

Ang naturang inisyatiba ay nakalinya rin sa pangako ni VM Atienza hinggil sa kapakanan ng matatanda na isang pagpapatuloy sa legasiya ng kanyang pamilya na pagkakaloob ng serbisyo publiko kabilang ang patuloy na pagtataguyod ng pangangailangan ng mga lolo at lola.

Hinimok din niya ang Manileño na suportahan ang paparating na bagong hakbangin dahil nakasalalay ang paglakas ng Maynila sa pagkakaisa ang pagdadamayan. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here