MANILA, Philippines – Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga scammer na nagsasamantala sa zero balance billing ng gpbyerno.
Babala ni Health secretary Ted Herbosa sa publiko na huwag basta-basta magclick ng link dahil baka mabiktima ng scam.
Payo ng kalihim, makipag-ugnayan diretso sa Billing Section ng mga DOH-Hospital para sa Zero balance billing.
Sa ilalim ng nasabing programa, wala ng babayaran ang mga pasyente sa mga DOH hospital sa kanilang basic accommodation.
Dagdag pa, ang mga doktor ay bayad na mula sa kanilang mga sahod at PhilHealth na ang sasagot sa gastusin sa hospitalization. Jocelyn Tabangcura-Domenden