MANILA, Philippines – Agad na magsusumite ng komento ang Commission on Elections (Comelec) bilang pagsunod sa direktiba ng Korte Suprema kaugnay sa petisyon na inihain ni veteran election lawyer Atty. Romulo Macalintal.
Kaugnay ito sa batas na nagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2026.
Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na agad silang susunod at maghahain ng komento sa nasabing petisyon, pero bilang isang nominal party lamang.
Noong Martes, inatasan ng Korte Suprema ang Kamara, Senado, Malacanang at Comelec na magsumite ng kani-kanilang tugon sa loob ng sampung (10) araw kaugnay ng petisyon ni Macalintal na kumikuwestiyon sa legalidad ng pagpapaliban ng BSKE. Jocelyn Tabangcura-Domenden