PANGASINAN- Isinugod sa ospital ang isang 23-anyos na lalaki matapos saksakin ng lalaking nakaalitan nito sa Brgy. Poblacion West, San Nicolas ng lalawigang ito kahapon, Agosto 19.
Ayon sa San Nicolas Municipal Police Station, ang biktima at 58-anyos na suspek ay parehong residente ng naturang bayan.
Nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng suspek at biktima doon mismo sa loob ng compound ng suspek.
Tinangkang iwasan ng biktima ang suspek ngunit nagpang-abot sila sa loob ng isang kainan hanggang sa saksakin ng suspek ng dalawang beses ang biktima.
Sa mabilis na pagresponde ng mga awtoridad ay agad namang naaresto ang suspek. Rolando S. Gamoso