Home NATIONWIDE Pondo sa pagtatayo ng Mindanao Disaster Resource Center, tinalakay na ng DSWD...

Pondo sa pagtatayo ng Mindanao Disaster Resource Center, tinalakay na ng DSWD at DBM

257
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na suportado nito ang planong pagtatayo ng Mindanao Disaster Resource Center (MDRC) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kasama ito sa natalakay sa pagbisita ni DBM Sec. Amenah Pangandaman sa National Resource Operations Center sa Pasay kasama si DSWD Sec. Rex Gatchalian.

Sinabi ni Sec. Gatchalian, mahalagang magkaroon ng sariling production center sa Mindanao para mas mabilis na maihatid ang tulong sa mga nasalanta tuwing may kalamidad.

Sa ngayon kase ang Mindanao ay umaasa pa sa Visayas Disaster Resource Center na nasa Mandaue City, Cebu.

“Inexplain ko sa kanya na sana rin magkaroon ng ganito sa Mindanao kasi right now our Mindanao center is being catered by the Visayas center. Si Sec. Amenah taga-Mindanao sya, she understands fully the importance of creating another hub,” ani Gatchalian.

Kaugnay nito, bilang suporta sa proyekto, tiniyak naman ng DBM ang P1.5 bilyong pondo para sa konstruksyon ng pasilidad.

Ayon kay Sec. Pangadaman, sisikapin nilang mailabas ang pondo sa taong ito para agad masimulan ang pagtatayo ng MDRC. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here