Home ENTERTAINMENT Alden, magpapa-event kapag nagka-jowa!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Alden, magpapa-event kapag nagka-jowa!August 21, 2025 08:443120 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Big deal na matatawag ang pagkakaroon ni Alden Richards ng nobya.For the longest time nga naman since he joined showbiz ay walang nabalitaan ang publiko that he ever had one.If ever Alden finds one ay masasabing makasaysayan ito.Sa isang interview ay diretsong tinanong ang Kapuso actor kung kumusta na ang kanyang lovelife.Sa mga nakakakilala kay Alden, he speaks his mind.Hindi mo siya maaaring akusahang nagsisinungaling.Zilch as in zero.And if ever daw na magkaroon siya ng nobya, he’ll make sure na kukunin niya ang King of Talk na si Boy Abunda to host the event.Dumating nga raw ang aktor sa puntong kesa magpayaman ay asikasuhin na niya ang personal na aspeto ng kanyang buhay: ang magka-girlfriend.At kesa maging abala rin sa kalalaro ng video games, he’d rather spend his time on dating.‘Yun nga lang, provided he goes out on dates in private places.Obyus naman ang dahilan.Asked about his ideal marrying age, Alden sees himself married at age 35.Taga-showbiz din kaya ang mapapangasawa niya?Eh, sino naman? Ronnie Carrasco III