Home METRO Bag na nanakaw kay Comelec Chair, narekober na; mga suspek, arestado!

Bag na nanakaw kay Comelec Chair, narekober na; mga suspek, arestado!

183
0

MANILA, Philippines – Naaresto na ang mga suspek at nabawi na ang bag ni Comelec Chairman George Garcia matapos siyang masalisihan sa isang restaurant sa Pasay City.

Sinabi ni Garcia na nakipag-ugnayan sa kanya ang Philippine National Police (PNP) upang ipagbigay alam na narekober na ang kanyang gamit at ibabalik na rin sa kanya.

“Lahat ng nasa bag at laman nakuha na — naaresto suspek, laman lang nun konti pera, may cards ako ATM, Landbank, national ID, pinaghirapan ko makuha tapos cellphone. Narekober na ito at ibabalik sakin ng PNP,” sabi ni Garcia.

Ayon kay Garcia, galing sila sa Senado kahapon para dumalo sa pagdinig at pagkatapos ay dumiretso sila sa isang restaurant sa Pasay.

Hindi aniya nila napansin na parang may anim na sumabay sa kanila na pumunta sa restaurant.

Ang kanyang bag ay inilapag lamang sa isang upuan at sa sobrang abala at masarap na kuwentuhan ay hindi na napansin na siya ay nasalisihan.

Naging mabilis naman ang follow up operation ng mga awtoridad at agad na-trace ang mga suspek na naaresto pa sa Cavite.

Nanindigan naman si Garcia na kakasuhan ang mga suspek para hindi na makaulit at makapambiktima pa ng iba.

Napag-alaman na labas masok na ang mga suspek sa kulungan at matagal na nila itong ginagawa.

Nagpasalamat si Garcia sa mabilis na aksyon ng mga awtoridad. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here