Home NATIONWIDE Kaso ng dengue sa QC lumobo sa halos 7K

Kaso ng dengue sa QC lumobo sa halos 7K

220
0
NAG-SPRAY ng mosquito repellant ang isang lalaking ito sa bawat sulok ng kanyang tahanan matapos na opisyal na ideklara ng Quezon City Government ang dengue outbreak, habang ang kaso ay patuloy na tumataas. DANNY QUERUBIN

MANILA, Philippines – Naitala sa lungsod ng Quezon ang nasa 7,000 kaso ng dengue ngayong taon o 155% na pagtaas mula sa mga kasong naitala noong nakaraang taon.

Kasabay nito ay nakapagtala rin ng 23 kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa dengue.

Sa pinakahuling bulletin ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD), naitala ang kabuuang 6,872 kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Agosto 18, 2025.

Kasama sa datos ang mga delayed report at validated cases.

Halos kalahati sa mga ito ay sangkot ang mga bata edad 10 anyos pababa, sa 3,407.

Sumunod naman sa pinakamarami ang mga edad 11 hanggang 20 sa 1,957 kaso.

Ang mga indibidwal edad 21 hanggang 30 naman ay bumubuo sa 750 kaso, at ang 31-anyos pataas ay nasa 758.

Matatandaan na nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko sa posibleng paglobo ng mga kaso ng dengue dahil sa mga pag-ulan at pagbaha.

Noong nakaraang Sabado, iniulat ng DOH na ang mga kaso ng dengue mula Hulyo 13 hanggang 26 ay bahagyang tumaas kumpara sa naunang iniulat, sa kabuuang 15,091 kaso. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here