Home NATIONWIDE Breastfeeding, breastmilk banking bill, suportado ni Legarda

Breastfeeding, breastmilk banking bill, suportado ni Legarda

275
0

MANILA, Philippines – Nagpakita ng kanynag buong suporta si Sen. Loren Legarda sa privilege speech ni Sen. Pia Cayetano noong Martes, na muling pinagtibay ang kanyang paninindigan sa patuloy na pangangailangang protektahan at isulong ang breastfeeding sa Pilipinas.

“Breastfeeding is a proven life-saving intervention. The World Health Organization (WHO) and UNICEF recommend initiating it within the first hour after birth, exclusively breastfeeding for the first six months, and continuing breastfeeding with complementary feeding up to two years or beyond,” paliwanag ni Legarda.

Gayunpaman, ipinakita ng 2023 National Nutrition Survey na 61.2% lamang ng mga sanggol sa Pilipinas ang pinasuso sa loob ng unang oras ng buhay. Ang exclusive breastfeeding para sa mga sanggol na wala pang anim na buwan ay nasa 50.4% lamang. Higit pang nakababahala, 17.7% ng mga sanggol ang nakatanggap ng pre-lacteal feed, tulad ng formula sa ilang sandali pagkatapos ng kapanganakan na nagko-kompromiso ng matagumpay na pagpapasuso sa simula pa lang.

Ipinaliwanag ni Legarda na ang mga bilang na ito ay nagpapakita hindi lamang ng pagbaba ng mga rate ng pagpapasuso kundi pati na rin ng mga sistematikong agwat: hindi sapat na suporta sa lugar ng trabaho para sa mga nanay na nagpapasuso, limitado at hindi pantay na distributed na mga breastmilk bank, mahinang cold chain at mga sistema ng imbentaryo, at ang kawalan ng mga structured na donor network sa maraming lugar.

“To address these gaps, we need stronger policies, better coordination among agencies, and a culture that genuinely supports mothers and infants. Breastfeeding is not merely a personal choice; it is a shared responsibility that requires collective action from the government, communities, and workplaces,” ani Legarda. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here