Home NATIONWIDE Pagsuko ni Quiboloy sa US, may legal na basehan -Hontiveros

Pagsuko ni Quiboloy sa US, may legal na basehan -Hontiveros

272
0

MANILA, Philippines – Ayon kay Senador Risa Hontiveros na ang Pilipinas ay may malinaw na legal na batayan para pansamantalang isuko ang pinuno ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Apollo Quiboloy sa Estados Unidos.

Binanggit ni Hontiveros ang Article 11, paragraph 1 ng PH-US Extradition Treaty.

“Kahit may kaso siya dito, puwede pa rin siyang dalhin sa Amerika para harapin muna ang mga kaso doon, at pagkatapos ng paglilitis ay ibalik sa Pilipinas para panagutin sa mga krimen dito,” aniya.

Ginawa ni Hontiveros ang pahayag matapos sabihin ni Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel “Babe” Romualdez na nasa Department of Justice (DOJ) ang mga dokumentong humihingi ng extradition kay Quiboloy.

Sinabi niya na may mga biktima si Quiboloy sa US na matagal nang naghintay para sa hustisya.

“Hindi rin tama na patagalin pa ang kanilang laban. Kung patuloy tayong magde-delay, we are denying them their right to be heard,” dagdag niya.

Dito sa Pilipinas, sinabi ni Hontiveros na malinaw na sinusubukan niyang gamitin ang kanyang kayamanan at impluwensya para iwasan ang pananagutan.

Ipinahayag din ni Hontiveros na kahit sa pagdinig ng Senado ay nagtakda siya ng iba’t ibang kundisyon para lamang maiwasang humarap sa pagtatanong.

“By allowing temporary surrender, we uphold justice on both sides. Nakakasiguro ang Pilipinas na hindi mawawala ang ating mga kaso, at natutulungan din natin ang mga biktima sa Amerika,” aniya.

Samantala, iginiit ng DOJ na wala itong natatanggap na kahilingan mula sa gobyerno ng Estados Unidos para sa extradition kay Quiboloy. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here