Home HOME BANNER STORY Senate room ni Sotto, binakbak muna nang todo ni Jinggoy bago bitawan

Senate room ni Sotto, binakbak muna nang todo ni Jinggoy bago bitawan

1
0

MANILA, Philippines – Tila kitang-kita ang galit ni Senador Jinggoy Estrada sa mayorya dahil binakbak nang husto nito ang kanyang tanggapan sa 6th floor ng Senado upang ibigay kay Senate President Pro-Tempore Vicente Sotto III.

Natuklasan ang hindi pangkaraniwang turn-over ng inuukupahan kuwarto ng partikular na opisyal sa ika-anim na palapag ng Senado ang ginawa ni Estrada sa kanyang tanggapan bilang dati at pinatalsik na Senate President Pro-Tempore.

Kaya’t tila magsisimulang muli si Sotto sa pagkukumpuni ng buong bahagi ng malaking kuwarto sa 6th Floor na kanyang gagamitin bilang halala na Senate President Pro-Tempore ng Mataas na Kapulungan.

Mula sa dingding hanggang maliliit na kuwarto, divider at sahig, kitang-kita na sinadya ang pagbakbak nito na tila isang bagong kuwarto na nabili sa isang condominium.

Kinumpirma ni Sotto sa media na ganito ang kanyang nakita nang unang bumisita sa dating tanggapan ni Estrada.

Ayon kay Atty. Marian Lucinario mula sa tanggapan ni  Sotto  na lubha silang “na-shocked” nang makita ang kasalukuyang kondisyon ng dating kuwarto ni Estrada.

“Sen. Sotto has been in the Senate for so long, and with all the office transfers that have happened within this building, this is the first time I’ve seen an office left in such an unusable condition,” aniya sa media.

“The usual practice is only to remove your furniture and make sure not to damage the floors and wall. Senate is only renting this building from the [Government Service Insurance System] (GSIS). Permanent fixtures including electric sockets are GSIS property,” paliwanag pa niya.

Walang natanggap din ang tanggapan ni Sotto ng anumang liham mula kay Estrada hinggil sa pagbakante ng kuwarto, ayon pa kay Lucinario.

Bago ukupahan ni Estrada ang naturang kuwarto, dito nag-opisina si Sen. Panfilo “Ping” Lacson bilang dating Senate president pro tempore.

Hindi ganito ang sitwasyon ng naturang kuwarto nang ibigay ni Lacson kay Estrada ang naturang tanggapan  nang mahalal ito bilang Senate president pro-tempore. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here