Home NATIONWIDE 12 parak nahaharap sa reklamo sa pagkamatay ng inarestong suspek sa suffocation

12 parak nahaharap sa reklamo sa pagkamatay ng inarestong suspek sa suffocation

312
0

MANILA, Philippines – Nahaharap sa mga reklamong kriminal ang 12 pulis matapos mamatay ang naarestong suspek nila dahil sa suffocation sa Pasay City.

Sa panayam, sinabi ni Pasay police chief Col. Joselito De Sesto na inihain nila ang reklamo sa city prosecutor laban sa 12 pulis noong Martes dahil sa reckless imprudence resulting in homicide.

Ayon kay Sesto, sa 12 pulis na sasampahan ng reklamo, anim ang mula sa Pasay City Police Substation, lima sa Southern Police District Mobile Force Battalion (SPD MFB) at isang tauhan ng National Capital Region Police Office Mobile Force Battalion (NCRPO MFB).

Dagdag pa, sinabirin na dalawa sa SPD MFB officers ay nahaharap sa karagdagang reklamo sa pangmamaltrato ng preso.

Nag-ugat ang reklamo sa insidente noong Agosto 5 kung saan inaresto ng pito sa mga pulis ang 29-anyos na residente ng Pampanga sa umano’y panggugulo at paninira ng gamit sa isang convenience store sa Barangay 75, Zone 10 sa Pasay.

Pumasok sa stockroom ng tindahan ang naturang suspek at napag-alaman sa CCTV footage na dinaganan ng mga pulis ang biktima.

May pagkakataon din aniya na sinuntok ng mga ito ang biktima sa likod.

Dinala ang biktima sa Pasay City Police Substation 5.

“While undergoing documentation, [the suspect] complained of difficulty in breathing. Responding immediately, the officers brought him to the Pasay City General Hospital for medical treatment,” saad sa police report.

“However, while undergoing medical intervention, he was declared dead at about 9:40 p.m. by the attending physician,” dagdag pa,

Wala namang impormasyon kung mayroon nang unang medical condition ang inaresto na may kaugnayan sa paghinga.

Sa kopya ng medicolegal report na isinagawa ng Pampanga Provincial Forensic Unit, idineklarang ang sanhi ng pagkamatay nito ay “asphyxia by manual strangulation.”

Wala pang tugon ang SPD at NCRPO kaugnay nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here